Equity Mortgage
Equity Mortgage Counter tabulas.com: Sa Dulo Ng Mga Kuko
Sa Dulo Ng Mga Kuko

January 16th, 2008

Bulkan Ni Plado

Posted by lexvonsumayo at 01:08 AM on January 16, 2008 in Maikling Kuko.

 

 

Episode 1 – Ang Simula ng Gulo
 

Isang magandang umaga ang bumungad kay Plado ngunit habang siya ay nag-iinat, may pumutok na baril at siya ay biglang dumapa at natabig niya ang lumang paso na may tanim na kaktus.

“Aray ko!!! Tingin ko ay mas masakit pa itong tusok ng kaktus kaysa dun sa bala ng baril  na sa tingin ko ay ako ang habol…”, ang naghahabol-hiningang sambit ni Plado.

Saksi ako sa bawat aberya at gulo ni Plado. Siya ay ang aking kaibigan at kaklase sa kolehiyo. Lagi kaming magkasama sa mga sabit nya at sempre sa mga kalokohan niya.

 

Ang pinaka-unang gulo na kinasangkutan ni Plado ay noong kumakain siya sa isang restaurant na ang specialty ay bulalo. Naasar siya at nag-reklamo sa waiter dahil malamig pa sa bangkay ang binigay sa kanyang sabaw ng bulalo.

“Bakit naman ang lamig ng sabaw nito?!”, ang pagtatakang tanong ni Plado sa waiter. “Sir, hindi po namin sinasadya, papalitan na lang po namin...”, ang mabilis na sagot na waiter na halos namumula na sa takot.

Habang dinadala na ang bagong bulalo ni Plado, nabuwal bigla ang waiter at natapon ang mainit na mainit na sabaw nito sa bagung-bagong damit ni Plado na binigay pa ng kanyang ninong na galing pa sa States.
 

Sa pagkakataong iyon, doon na nagsimula ang gulo sa buhay ni Plado.

 

- January 12, 2008

 

 

Episode 2 – Naudlot na Pagdumi

 

Lumabas kami ni Plado sa isang bingohan matapos naming manalo ng 350 pesos. Malaki na iyon para makakain sa carinderia ni Aling Tony na may anak na kahawig ng Lola ko.

“ Oh, ituro mo na ang gusto mong kainin Plado…tandaan mo, mayrun tayong 350 pesos!”, ang sabi ko na may pagmamalaki ngunit kabado rin baka kapusin ang pera.

“ Mayrun ba kayong bulalo Aling Tony?”, ang tanung ni Plado.

 “ Naku! Kahapon namin ulam iyon…tuwing Martes iyon kasi mas malamig at mahangin ang panahon sa araw na iyon…dumaraan kasi dito iyong asawa ni Aling Marta na sobrang yabang…”

“ Ay, ganun ba? Sa gayun ay bigyan mo na lang ako ng kahit anong mainit na sabaw dyan sa mga ulam nyo…”, nagtatakang pakiusap ni Plado.

Mahilig talaga sa sabaw itong bespren ko. Kahit ano ang kainin ay dapat mayroon na umuusok na sabaw sa tabi ng kinakain nya. Sabaw lang ay ulam na.

Marami kaming nakain at dali-dali kaming umuwi at sumakay kaagad ng tricycle dahil nadudumi na itong si Plado. 

“ Tol, bilisan mo naman dyan sa motor mo, baka hindi na ako makaabot sa bahay namin at dito na ako abutan.”, nanginginig na pakiusap ni Plado.

Pagdating namin sa bahay nila, dali-dali siyang tumakbo, kinuha ang dyaryo, naghuhubad habang tumutungo sa CR, binuksan ang pinto at naupo sa kubeta. Binulatlat ang dyaryo at nag-pokus at biglang nag-brown-out.

Patay ang exhaust fan, mainit at walang ilaw. Hindi sanay dumumi si Plado nang walang ilaw at walang binabasang dyaryo.
 

Naudlot tuloy ang pagdumi. Sayang. May mga naghihintay pa naman sa poso negro.

 

- January 13, 2008

 

 

 

Sa Palagay Mo?

October 1st, 2007

LexiPedia Infontante

Posted by lexvonsumayo at 02:28 AM on October 1, 2007 in Maikling Kuko.

 

 

 

Ang mga dapat malaman ng isang tulad mong naniniwala na may natitira pang tinta sa simot na bolpen kapag ito ay iyong ita-taktak. Basahin ang mga sumusunod:

1. Sa tuwing ikaw ay natutulog, may maliliit na insekto sa iyong kama na nagdudulot ng konting kati at iritasyon. Minsan mo na rin naranasan ang makasinghot ng lamok na nagpigil naman sa iyong maingay na paghilik.

2. Sa tuwing ikaw ay nagugutom at tinatamad magluto, nababawasan ang mga display mong mga de-lata na dapat sana ay sa beach o sa camping mo nagamit.

3. Sa tuwing ikaw ay nagda-dalawang isip sa pagpili ng sariwang isda, magiging bilasa na ang mga ito dahil dinuduro at hinahawakan mo sila ng ilang beses.

4. Sa tuwing ikaw ay nalulungkot, mas malaki ang tsansa mong makakuha ng atensyon dahil madalang ang nilalang na may mukhang masaya.

5. Sa tuwing sasabihin ko ang iyong pangalan, para ko na ring sinabi na tao ka.

6. Sa tuwing lulubog ang araw sa silangan, wala nang silbi ang waiting shed.

7. Sa tuwing nauumay ka sa kinaing sardinas, nakahanda lagi ang ice cream or chocolate. Pag natunaw ang mga ito at nilagay mo ulit sa freezer hanggang sa tumigas, iba na ang lasa nun. Double-dead na ice cream at chocolate.

8. Sa tuwing may natitirang kanin sa gabi, masarap itong gawing Garlic Fried Rice. Karaniwan na tuyo (dry) ito pero sa tingin ko, dapat basa (wet), kasi pinirito SABAWang.

9. Sa tuwing pipila sa pag-order ng iyong value meal sa isang “fastfood”, laging manalangin na hindi ito ang iyong magiging “lastfood”.

10. Sa tuwing nauuhaw o gustong mag-refresh, masarap uminom ng sofdrinks. Ang Royal at Mirinda ay carbonated orange juice. Ang Lift at Mountain Dew ay carbonated lemon juice. Sabi ni Mr. Harimoto, ang sex organ ng lalaki ay “carbonated with coconut juice”. (Kalbo-nated)


 

 

2 sa palagay mo?

April 13th, 2007

Walang Pangako, Walang Hanggan

Posted by lexvonsumayo at 06:56 AM on April 13, 2007 in Mahabang Kuko.

 
sky

 

Sa tuwing nakikita kita, nais ko na lagi kitang niyayakap. Parang unang pagkakataon lagi ang bawat pagtatagpo. Hindi ko maiwasan na gawin at isipin ko ang lahat ng maaaring magawa sa tuwing naririyan ka sa tabi ko. Sinasamantala hangga't may oras. Hangga't ikaw ay natatanaw.
 

Hindi na kita puedeng iwan. Pinasaya mo na ang puso at isipan kaya hindi ko na makikita ang dahilan na limutin pa kita. Bilang isa sa nagmamahal sa iyo, aaminin ko na naging mahina ako sa mga bagay na naglayo ng aking sarili sa iyo. Ngunit ngayong naririto ka na sa piling ko, hindi ko na hahayaan na kahit anino mo pa ay lumampas at lumipas. Hihigpitan ang kapit ngunit hindi ka maiipit.
 

Kahit nakakalimutan ko ang pagkain, napupunan ng pagmamahal mula sa iyo ang aking kagutuman. Nagiging basa ang natutuyong lalamunan ng iyong makapangyarihang haplos mula sa aking mga daliri hanggang sa aking katawan. Pinaniniwala ko ang bawat bagay sa paligid na ikaw ay hindi kailanman magugunaw at matutunaw. Laging mag-aalab.
 

Minsan ka ngang nagdudulot ng sakit at pighati sa tuwing ikaw ay naiipit o nasasakal, nagiging lubos pa rin ang pag-ibig ko sa iyo. Ito ay walang katulad. Walang puedeng ihanay para tapatan ang mataas na pagmamahal na nanggagaling sa iyo. Mabubuwang ang maghahangas. Manghihina sila at magtataka. Susuka at hindi magiging payapa.
 

Sa katunayan lang, hindi ko maririnig ang gustong marinig hangga't di ko ito tinatanong sa iyo. Kailangan mo ako para ikaw ay makapagsalita. Sa aking mga kamay, ikaw ay aawit nang may tunay na kabuluhan at pagtangi. Sasaya na naman ang bawat sandali.
 

Ang pagmamahal ko ang magtutulak para makita mula sa iyo ang mga kulay na hindi ko nakikita sa mundo. Sa kabila ng iyong ngiti, ay ang hindi mabilang na paghanga. Matinding paghanga na hindi mawawala. Katulad ng langit at ng mga tala.
 

Umiinit ang panahon at huwag kang manlalamig. Sasabay tayo sa pag-iibang anyo ng daigdig. Kahit isang saglit ay gusto kong marinig na patuloy ang iyong pagmamahal at pag-aaruga. Maluma man ang mga tanong ng nakaraan at ang mga sagot ng kasalukuyan, tayo pa rin ay tunay na magmamahalan.
 

Nagapi man ng mga armas na pandigma ang kalayaan ng isang bansa, sa iyong mga mata at tinig, maitataguyod muli ang adhika at ang ilaw ng pag-asa. Hindi ko man narinig ang pangako sa iyong mga bibig, sa tuwing ikaw ay naririyan, pakiramdam ko naman ay walang hanggan.

 

Sa Palagay Mo?

March 9th, 2007

Kahulugang Hindi Maintindihan

Posted by lexvonsumayo at 12:58 PM on March 9, 2007 in Mahabang Kuko.

 

 

guitar

 

Kasama ko siya lagi sa bawat araw, sa paglikha ng musika at pakikinig ng bawat tibok ng puso. Isa akong mapalad na nilalang dahil nasisilayan ko at nararamdaman ang saya at lungkot ng buhay—dahil sa kanya. Hindi siya kailanman nagalit sa akin. Nananatili siyang buo at matatag maging sa pagdaan ng mga masalimuot kong mga araw.
 

Sa lahat ng iniyak ko, sa kalungkutan at maging sa kasiyahan, narun siya lagi. Makapangyarihan na walang katulad lalo na kapag katabi mo siya. Sa sobrang lapit niya sa aking puso, napapawi ang madidilim na bahagi nito at napapagaan ang mga mabibigat na dalahin ko.
 

Higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanya. Laging nasasabik na makapiling sa pagkakataong kami‎‎‎'y magkalayo. Hinahanap ang himig at iniisip ang mga magagandang pangyayaring nag-ugnay sa amin.
 

Sadyang magiging malungkot ang mundo ko kapag nawala siya. Alam niya kasi kung paano ako pasayahin. Alam na alam niya ang kiliti dito sa puso ko. Naiintindihan niya ako sa tuwing sinasaktan ko ang sarili sa mga maling dahilan. Kahit sa kanya ko binubuhos ang lahat ng sama ng loob, patuloy pa rin ang kanyang mayumi at kalmadong himig.
 

Mahigpit ko siyang inaakap at hinahawakan ko siya ng todo, na hindi mo kailanman maaagaw sa akin. Walang panalo ang iyong malalaking kamao dahil hindi niya iyon kailangan. Kasukat ng puso ko ang puso niya. Tunay na pinag-isa ng pagkakataon. Hindi maaaring mapaghiwalay ninuman.
 

Ngunit nagnanais na siyang lumisan. Sinusubukan na ring kalimutan. Humihina na ang hatak ng lubid na nagdurugtong sa amin. Kahit ang panahon ay walang magagawa para mapigil ang pagpiglas. Kahit ang pinaka-maingat na pagsamo at pag-iingat ay wala ring magiging bisa.
 

Hindi ko alam kung kailan. Hindi ko alam kung kailan siya tuluyang mawawala.
 

Habang binibigay ko ang buong puso sa kanya, nagiging madali ang kanyang paglisan. At hindi na siya mahihirapang mag-isip. Ngunit hindi ko kaya ang katahimikan sa paligid. Kahit na ang bawat naririnig ko ay wala na sa ayos, magiging masaya pa rin ako. Kasiyahan ko ang kanyang tinig.
 

Ang bawat sandaling kasama siya ay punung-puno ng kahulugan.

Ang kahulugang hindi namin kayang maintindihan.

 

 

2 sa palagay mo?

December 29th, 2006

Nela Custodio (Eng)

Posted by lexvonsumayo at 02:59 AM on December 29, 2006 in Mahabang Kuko as a favorite post.

nela

Although I didn’t plan to leave yet, I was forced to prepare to go home. Hoping I might catch up with Nela so we could walk together on the way to the terminal and on boarding the train. Nela was a symbol of a bright future. But through the thousand doors we opened and crossed, we never had a chance to share even a single word or conversation.

Nela knew nothing but to avoid me. She was like oil on water, a criminal to a police, a white dress on mud; because to Nela’s knowledge, I was a disciple of Judas. The only good news that reached her about me was when I confessed to breaking the eye glasses of Maestro Hubi – our professor of economics. But I didn’t do it. I only claimed responsibility to save one of my classmates, because he was one of the school’s scholars.

There would be time for Nela and me. If not then, all the days of the year waited for me, for us.

Economics finished again, everyone stood up to leave; time to go home again. Nela acted like before. Quickly, she put all her things inside her colorful bag. All of a sudden, her pen fell and rolled towards my feet. I picked it up, and was about to give it to her, but she was not around anymore. It seemed she didn’t even notice that it fell.

Like an investigator, I placed the pen in a plastic bag, to prevent any mark or dust from contaminating it. When I get home, I will put it near my clock so I can look at it when I wake up every morning as I open my eyes. One morning, I saw Nela’s pen at once. What if I try it?

The first thing I thought was to write my name, but suddenly, her name crossed my mind and that was what I wrote - Nela Custodio. I tried to write my name again, but still, it was her name I wrote - Nela Custodio.

I will return this pen; for sure tomorrow.

I blinked my eyes thousand times, and searched around the classroom, but I didn’t see Nela. She didn’t come today. I missed the chance again. While I held the pen, I tried to write my name again, but I wrote her name instead - Nela Custodio.

While walking on my way to the school canteen, I spotted Nela alone in front of a table. She had a look of wonder and delight while looking at a paper. I gathered courage to approach her and hand over her pen. Who knows, possibly this might be the chance I have been waiting for so long.

“Nela, here’s your pen,” my voice trembled as I told her. She looked really surprised.

“How long have you had my pen?” she asked softly.

“I’m sorry Nela. I should have returned it earlier, but you didn’t come to the class that day,” I explained nervously…

“Thanks” she said with a smile. “You’re welcome. Okay, Nela, I have to go now,” I said, as I walked away from her. But suddenly she called me.

She showed me the paper and said:

“It’s kind of weird. This is not my handwriting. I’m hopeless in economics, that’s why I didn’t take our last exam. I’m so happy, I passed!”

Only then, I realized that on the day of our last exam, it was not my name I wrote on my paper. It was her name. I wrote - Nela Custodio.

2 sa palagay mo?

« | »