Hindi man ako ngayon gumagawa ng mga kuwento gamit ang mga titik, maririnig nyo pa rin naman ang kuwento sa bawat tunog ng aking gitara, gamit pa rin ang kapangyarihan --- sa dulo ng mga kuko.
Pero
teka, bago pa tayo lumayo sa usapan, isa lang ang gusto kong itanong sa
ating lahat na Pinoy ---- gaano ba talaga tayo "ka-Pinoy" ?
Ang
ibig kong sabihin ay kung paano ba natin inaakap ang pagiging Pinoy
natin. Maging ito ay sa pagsasalita, sa tinatangkilik na musika, sa
pananamit, sa pagkain at sa iba pang bagay na talagang masasabi na
PInoy tayo.
Nagtala ako ng ilang bagay na siguro ay kahit
papaano ay mapapatunayan ko na kahit ako'y nasa malayong lugar at wala
sa bansang sinilangan ay patuloy pa rin ang puso't isipan sa
pagtangkilik sa aking kulay kayumanggi.
Hindi ko naman masasabi na ako'y tunay na makabayan, ang sa akin lang ay gusto ko talagang madama ang pagiging Pinoy ko.
Magsimula tayo sa musika.
Kaya
kong tugtugin sa gitara ang Lupang Hinirang nang buong-buo na may
konting harmonya. Mas matutuwa ako pag ikaw na gitarista ay tinanong ko
kung ano ang alam mong tugtugin sa gitara at dali-dali mong sasagutin
na ---- "...kaya kong tugtugin o tipahin ang pambansang awit natin na
Lupang HInirang! "
Kadalasan kasi ay puro pasakalye lang ng mga
maka-Kanlurang awitin (western music) ang kaya ng ibang tugtugin."
Father and Son" ni Cat Stevens, "Wonderwall" ng Oasis, " I Was Only
Joking" ni Rod Stewart, "You're All I Need" ng White Lion, "Never Say
Goodbye" ng Bon Jovi, at ang pinakasikat sa lahat, ang pasakalye ng
"Smoke On The Water" ng Deep Purple.
Nakakalungkot minsan isipin
na hindi natin nauunang matutunan ang sariling atin. Naaalala ko pa rin
ang oras na ginugol sa mga kanta ng Asin, Freddie Aguilar, VST &
Company, Rey Valera, Juan Dela Cruz Band, APO Hiking Society sa mga
unang taon ng aking pag-aaral ng gitara. Ikaw? may alam ka ba na OPM?
Hindi
lang sa makabagong tugtugin (contemporary) ang nalaman ko. Maging ang
mga kundiman natin. HIndi naman dahil ito ay kabilang sa syllabus ng
aking kurso, ito ay dahil sa gusto ko talaga itong tugtugin. Memoryado
ko pa rin ang "Sampaguita" at ang "Saan Ka Man Naroroon". Nakakahiya
kasi kapag ako naman ang pinatugtog ng isang musikero ng isang musika
na Filipino at hindi ko ito mapagbigyan. Nakakahiya. Kabisado mo man
ang lahat ng Suite Ni Bach o ang mga piyesa ni Albeniz ay wala ka ni
isang komposisyon na Filipino sa iyong listahan. Pag-isipan mo yan.
Nakikinig
din ako ng mga kanta ni Gary Granada. Huli ko na lang nakilala itong
magaling na musikero na ito dahil hindi rin naman kasi ganung kadali
ang makakuha ng mga awitin nya. May nagbigay sa akin ng isa sa mga
CD nya, ang Gary Granada Live! (UP Theater). Nagkaroon din ako ng kopya
ng Sa Pagitan Ng Ngayon at Kailanman. Salamat Musika!
Hindi ko
tinatangkilik ang mga piratang CD na OPM. Bumibili ako ng orihinal na
CD ng mga ito. Mayroon akong TVJ Tough Hits Volume One to Five, Joey To
The World ni Joey de Leon, Joey Albert Greatest Hits, Sharon Cuneta
Greatest Hits at iba pa.
Sa mga on-line na radyo tulad ng sa
(www.surfmusic.de) nakatutok ako sa DZRH 666 khz, at yung sa Live 365,
ang mga istasyong Heat Wave Radio Pacific at ang Classical Philippines.
Ikaw? Gaano ka ba ka-Pinoy?
Tangkilikin ang Sariling Atin! Mabuhay ang Filipino!
Posted by lexvonsumayo at 07:07 PM on March 1, 2009.
Noong 2006, nagsimula ang ideya sa paglikha ng mga tunay at di-tunay na
kuwento. Ang tawag ng ilan dito ay blogs. Pero para sa akin, ito ay isang
bahagi ng ating isip na inilagay sa anyong salita na kapag pinagsama mo ay magiging
isang kuwento.
Maraming pagbabago at mga patunay ang naganap ng mga panahon
na iyon. Ang ilan ay mga sumusunod:
marunong
pala akong maglikha ng kuwento na may patungkol sa:
pag-ibig
respeto
sa kalikasan
mga
taongpasaway
kaibigan
at kaaway
musika
sa
likod
superheroes
kinalimutan
ng panahon
nakaraan
pagkain
Nang
dahil sa mga kuwentong aking nalikha, may ilan din akong naging at di
naging mga kaibigan. Parang isang musika rin daw ang paggawa ng kuwento,
mayroon ka ring pinapahiwatig na mensahe o intensyon, gamit nga lang ang
iyong panulat at sa mga mambabasa ---mga mata.
Nag-iba
angimaginasyon ko sa mga
bagay-bagay. Naging batayan ko ang araw-araw kong nakikita habang
naglalakad o habang gumagawa ng tulog. Nakatulong din ang pagbiyahe
patungo sa ilang lugar na paborito ko tulad ng kubeta, ilalim ng kama, freezer
ng ref, basurahan, mini-groceries at iba pa.
Lumawak
ang maliit kong mundo sa paglabas ng sama ng loob. Kung dati ay sa musika
lang ang tungo sa tuwing bigo, ngayon ay mayroon ng ibang pinto. Ang pinto
ng paglikha ng kuwento.
Habang
umaandar ang isip sa pag-iisip, nagiging mabilis ang panahon at lumiliit
ang oras ng paghihintay.
Humanga
ako sa mga manunulat lalo na iyong lumilikha ng mga mahahabang kuwento o
nobela. Sa buong buhay ko, wala pa akong isang nobela na nabasa at natapos
basahin. Kaya sa aking palagay ay hindi rin ako makakagawa ng isang tunay
na nobela.
Nadagdagan
ang aking pasensya. Mapalad ang naghihintay. Hindi ko minamadaling makita
ang bulaklak ng isang kakatanim pa lang na halaman.
Naniwala
ako na makapangyarihan talaga ang pluma kaysa sa paggamit ng dahas o bala.
Hindi ako isang panatiko ni Rizal, ngunit sa kabilang banda ay naibahagi
ko sa mga kaibigan at kaaway ang laman ng aking puso’t isipan.
Ngayong 2009, tatlo na ang opisyal na daluyan ng aking
isipan --- ang musika, ang potograpiya at ang paglikha ng kuwento.
Ikaw, paano mo inilalabas ang laman iyong isipan? Mainam na
pakawalan ang lahat ng iyan. Marami kang pagpipilian.
Maaari mong hintayin.
Maaari mong tiisin.
At maaari mo ring isipin.
Currently listening to: classical guitar music
Currently feeling: gusto nang maligo
Marahil ay nagtataka ka pa rin minsan kung bakit nalilito ka pa rin talaga kung ano ang iyong gusto o ayaw sa mundo. Minsan ay natutunaw na ang yelo sa North Pole pero masaya ka pa rin. Nagkakagulo na sa Gaza ay parang relaks ka pa rin.
Minsan tuloy ay naghihintay ka na lang ng ilang bagay na makakapagpalungkot sa iyo. Iyan ang may sayad sa ulo. Hindi dapat hinihintay ang kabiguan, pinag-aaralan yun. Ako na may ilang pagkakataon nang nagulo ang utak ay patuloy pa rin ang paghanap ng kapayapaan. Matagal na proseso pero may lunas.
Dapat nga ba nating kilalanin ang ating sarili? Para saan pa at anong dahilan? Habang umuusad ang panahon ay iba-iba ang sitwasyon kaya naiiba rin ang pagtanggap. Sa madaling salita ay nagkakamali pa rin tayo. Siguro nga para maging tama.
Kamakailan lang ay tumugtog ako sa isang charity concert (Bantay Bata 163), iba ang pakiramdam. Walang pangamba at wala akong inisip na para sa akin.
Ganito ba talaga ang hanap ng puso ko? Ang kawang-gawa?
Marahil nga.
Sana nga.
Kaakbay ang mga minamahal na may tugmang ideolohiya.
Salamat at naririto pa ang pag-asa. Sa huli, sa gitna at sa simula.
Currently listening to: John Scofield
Currently feeling: awake
“Ayoko nang maging Superhero!!! ”, ang galit na sambit ni Jumpy The Bumpy.
“Bakit naman Jumpy? “, ang tanong ko na may konting concern.
“Ayoko nang magligtas ng mga naaapi at mga nangangailangan ng tulong; nakakasawa na rin at ang mahirap pa nyan ay lagi silang umaasa sa iyo at kapag wala namang prublema ay hindi ka naman hinahanap…”, ang asar at sagad sa galit ni Jumpy.
. . .
Walang ibang kahulugan ang salaysay at pag-uusap namin ni Jumpy The Bumpy. Pero ramdam ko ang hinanakit at poot sa kanyang kabuuan habang sinasabi ang lahat ng ito.
Minsan din tayong naging superhero. Habang ang isa sa ating kaibigan ay nasa gitna ng matindi at komplikadong sitwasyon, papasok tayo sa eksena at tutulungan natin sila. Matapos nito ay gagamitin na nating tulay ang ating nagawa para pasukin naman ang kanilang saloobin o puso.
Hindi maaaring tumanggi ang ating tinulungan. Madalang ang ganitong pangyayari. Ang pakiramdam nila ay mabuti ka at hindi isang masamang tao. Hindi ka dapat matakot sa ngiti ng buwaya, ang “ngiting-aso” ang mas delikado.
Siya nga pala, ako si Batman. Ako ang dahilan kung bakit ayaw na ni Jumpy The Bumpy na maging superhero. Kasi pilit nya akong ginagaya at akala siya siguro ay babagsak ako matapos niyang iligtas si Viki Vale. Tandaan mo, ako si Batman, wala akong main love interest. Huwag mo akong itulad kay Superman o Spiderman. Nga pala, tropa ko rin si The Punisher, in other words, we really don’t care.
Marami pa akong resources na hindi niya alam. Hindi nga niya alam na na ako si Bruce Wayne. Wala akong special powers pero may utak ako.
Wala kasing ibang gawin si Jumpy The Bumpy kundi ang “tumalon, tumalo, at mambangga.” Kaya secondary lang sa kanya ang tumulong. At saka hindi yan marunong lumingon sa pinanggalingan niya. Mas malalim sana ang isip niya sa akin pero hindi lang siya marunong gumamit ng kakayahan niya. Kumbaga, puro yabang at pasikat.
Maging malinaw sana ang ating mga pakay pag balak natin na maging isang superhero. Hindi madali iyon. Wag sanang gamitin sa ibang pagkakataon, tulad sa chicks o para maka-iskor kung saan mang ballgame.